Tuesday, October 5, 2010

jeepney acts

unang eksena:
iisang dyaryo, lima ang nagbabasa!
may isang mamang nagbabasa ng dyaryo,
at nakikibasa dito ay ang mamang nasa kanan nito, ang mamang nasa kaliwa nya at ang katabi nito sa kaliwa, at ang mamang nasa tapat nya!
AYOS!
pansin ko lang ang mga lalaki ang madalas kong mapansing nakikibasa sa mga katabi nila, ang ibig sabihin ba nito na ang mga lalaki ang likas na mas chismoso kaysa sa mga babae???


pangalawang eksena:
may babaeng pumara ng aming jeep,
pagsakay nya at bago pa man sya umupo ay nagtanong sya sa isang ale
"SUCAT PO BA ITO?"
sabay iling ng ale...
hala! e ang laki ng signboard ng jeep na SUCAT!
syempre nalito ang litong ale dahil mali ang isinagot sa kanya ng absent-minded na ale!
SAKIT SA ULO!!!